Translate

Friday, July 20, 2007

i miss you so much my Manila!

'tis is the post of my nostalgia... of how i really long to go back to Manila.

tis the place nothing in this world i can compare with...

a place where i lived half of my entire life....

a place where i spent my awakenings....my becoming...and of the beginning of a retreat on the hustle bustle of my life.
(click image to enlarge and hit back button to return to the main page.)
......."Maraming beses na kitang nilayasan ,
Iniwanan at ibang pinuntahan
Parang babaeng mahirap talagang malimutan
Ikaw lamang ang aking laging binabalikan".......

.........."Manila, I keep coming back to Manila,
Simply no place like Manila,
Manila I'm coming home.
I walked the streets of Espanola
I traveled rocks of Abiquiu
Kidded a million girls in Albuquerque
But somehow I feel I don't belong".......

......"Hinahanap-hanap kita Manila...
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong nag-gagandahan
Take me back in your arms, Manila
And promise me you'll never let go"......

........."Manila....Manila.
I'll keep coming back to Manila
Simply no place like Manila
Manila, Im coming home"..........

........."Miss you like hell Manila
No place in the world like Manila
Im coming home to stay".......


images credit to my fellow blogger David the coconuter
texts credit to the song manila of the group 'Hotdog'

9 comments:

JP aka Elmo said...

*kumakanta din ng manila song...wee!

"Kidded a million girls in Albuquerque".

Di ba dpat "DATED" imbis na KIDDED. wahehe. ooops!, Bwal and date. hehe.

Balita ko si coconuter naaksidente ah. Nakuryente habang inaayos ang electric fan then may isa pa, di sinasadyang tinaga ang kanyang kamay habang nagtatabas ng damo. pero ok n sya.

Anonymous said...

Napapakanta ako dito, kuya ko :)

Where'd you live when you were here ba kuya? Ako alam mo na kung tagasan hehe... Malapit sa Sto. Domingo Church sa QC hehehe :)

I was supposed to go to Australia a year before my mom died. Dun na sana ako magwo-work. But she asked me not to go. So ako naman, cge ok lang kasi ayaw ko rin iwan mom ko na maysakit... Pero kung natuloy ako, ang balak ko lang is to secure my family's future, save some money so I can travel anywhere I want tapos balik na ng Manila. Iba pa rin ang buhay dito sa atin ;)

Saka walang fishballs na tinda sa kalye sa ibang bansa hahahah... o yung mga barbecue o isaw sa paligid hahahah... batang kalye pala itong kapatid mo kuya hahahah

Bakit ka naman senti mode ngaun? :)

forevermonk said...

@elmo
hahahaha-precisely --kaya hanggang sa biru biruan at kantyaw kantyawan lang me...or else-baka magkawindang-windang ang bokasyun ko at malaglag ang chastity belt ko bwhahahahaha...

yeah- si david? yes, he is ok now- i have been lurking only since he started his blog kasi hiya ako mag comment doon- dumadami fans nya bwhahahaha--na most of them ay hihihihi ..kaya iniiwasan ko magkarun ng link ang site ko sa site nya--kabuti buti at tahimik lang mga commentors ko hahahahaha--- baka igisa ako eh --not that i am scared--- but aloof lang maybe...

kadalasan kasi nagkakakilalanan ang mga bloggers thru comments-

..like tayo--pero kayong mga nakilala ko thru comments or direct links sa ka-link ko ay hindi ko talaga pinagsisisihan na nakilala ko kayo--you deserve me eh---and i deserve you...kaya hapi talaga ako having you, bluepanjeet, brvince, si ironnie, si jeprocks, si rebecca(skippy heart)at si sis ko na cute at maganda in and out: sasha....

at alam ko na i have become part na of your life kahit sa net lang tayo nagkakilala= with that, ang laki laki ng pasasalamat ko sa Kanya...

pasasaan ba at magkikita din tayo in due time--which is just six months away weeeeeeee......

Anonymous said...

magaling ata kumanta ah... proven na ata yan...

hihihi... talagang iba kapag nasa Pinas ka or saan ka man tlga lumaki... pro its our call... GOD BLESS! buti kpa.. malapit knang umuwi ulit... ako.. hahayzz.. it takes 3yrs pa...huhuhu

i miss PINAS nd my homeland COTABATO!

ciao!

forevermonk said...

@sasha
ey i lived in downtown of binondo(chinese community) for three years-1982 to 85, with my elder married sister, then nagkasikipan na ang mga mundo namin kaya napilitan ako lumipat sa flores building sa intramuros sa likod lang ng Cathedral- stay ako doon ng two years--then nagkatalu talo na kami ng aking landlady kaya lipat na naman ako sa sampaloc-sa isang dormitory sa lardizabal owned by the owner of Univesity of Manila Legarda.-hwo happened to be the father of my grade three pupil na makulit-kaya narecommend nya ako sa tatay nya na tumira doon kahit ang tutuo nito ay ladies dormitory ito-kaya inihilera ako ng atty de los santos sa mga varsity players nya sa UM na nakatira din sa ground floor ng Dona Elena Ladies' Dormitory....
i stayed there from 1988 to 1990..=

then in 1991 ay naka acquire ako ng isang townhouse sa malayong malayo--De Paro Road Novaliches...stay ako doon from yr 1990 til i left the phils in 2001 to join the religious life---

doon ako sa SM townhomes sa Novaliches nagtagal ng halos sampung taon with my mother and a maid--(na papalit palit) pero sa sampung taon na namalagi ako doon ay para lang akong nakikitulog doon dahil 3:40Am ako gigising at hahabol ng FX taxi to san beda college mendiola then dating ko naman sa gabi ay halos mag ti twelve midnight na palagi-dahil sa gabi ay nagtu tutor pa ako sa makati at sabay na din ang lakwatsa for a last full show movie sa robinsons galleria= palipas lang ba ng oras at heavy traffic!!!- then mga ten to eleven Pm saka naman natatapos movie at saka naman luluwag trafic sa EDSA at Quirino highway ng nova-kaya doon pa lang ako makakauwi--..i stuggled that kind of lifestyle ng ganun katagal--- tiyaga ko noh!...

i am sorry to hear that sis ko...
hirap pag wala na magulang--my father died in 1988 pa...tagal na yun...
my mom is 92 yrs old na--imagine that? --she lives with my widowed elder sister na sinundan ko sa ngayun---i am glad na buhay pa rin siya kahit weak na at sakitin pa...ako pa rin ang bumubuhay sa kanya kahit hindi na ako sumsweldo--(of kors i attended to her since i acquired a unit at the SM townhomes)and when i left the phils- lahat ng separation pay ko ay ni save ko sa bank at unti unti nyang ginamit sa kanyang monthly allowances--then ng mag profess ako dito ng Vows- making me a permanent membe-and co owner ng monasteryo ay nabigyan na ng allotment remittance ang nanay ko monthly ng dollars--kunti lang..pero enough na yun sa needs nya every month--ganun ka generous ang Diyos--kaya tutuo ang sinasabi sa akin ng mga nakausap kong monks and priests sa kung saan saang panig ng mga religious houses dito sa merika--...."when you come to live in the monastery, in GOD’s house, you make a contract with Him. He pays the bills, feeds you, clothes you, gives you place to sleep, and every other form of human sustenance.
But on the other hand, all you have to do as part of that contract with GOD is to love; that is, to really love faithfully and sincerely the 'ones' He sends to live with and share this way of life with you in the cloister..kaya naman kahit ano pa kabaho ng kili kili or amoy ng singaw ng isang arabyanong monk-or african monk--ay mahal ko pa rin sila dahil sila ang itinalaga ng Diyos na maging kasama ko habang buhay--kaya tiis na lang at tignan na lang ang maganda sa kanila at itapon at isa isantabi ang hindi maganda--sabi nga ng aking superior noong novice ako: brother alberto, kung wala kang magandang masasabi sa kapwa tao mo ay mas mabuting itikom mo na lang ang bibig mo--kumbagah ay NO COMMENT na lang ako...hahahahah.

tama ka sis ko. iba ang buhay sa manila--yan ang mis na mis ko lagi..

kaya buti at pasalamat ako na nagkakilala tayo sa net thru our blogs dahil sa pamamagitan nyo ay nakaka relate pa rin naman ako sa dating mundo ko na mahal na mahal ko kahit ito ay magulo at maingay...

naku- magkapatid nga talaga tayo...yang fishball
at ang barbecue sa kalye ang hinahanap hanap ko dahil parte na yan ng buhay ko--i remember sa isang kanto ng mayapis sa makati bago ako tumuloy sa bahay ng aking ti nu tutor na batang nag aaral sa san agustin dasma makati ay hindi ako pumapalya sa fishball at isaw at barbecue na yan...hahahaha--naku, bigla na naman tuloy akong nag food tripping hahaha.
iba ang buhay dito sa amerika-lalo na sa loob ng isang NO-TALKING Monastery na tulad ng monastsryo na kinabibilangan ko..haba na comment ko bwhahahahahahaah....
gud nite sis ko--pag uwi ko ay wag na wag kang hindi magpapakita sa akin ha? hahahaha kundi tatampo ako sau hehehehe...

ay nag senti mood ako dahil bigla kong na realize kung gaano na kadami ang mga frends ko sa blog diyan na gustong gusto ko na talagang makita at makadaupang palad - tulad ni brvince, ni elmo, ni macaronnie (bakit kaya tinawag siyang macaronnie? siguro masarap siyang kainin na parang pasta hahahaha jok lang),si jeprocks, si bluepanjeet at syempre ikaw nga sis ko....
kaya prang inip na inip na ako sa pagdating ng aking next home visit.

forevermonk said...

@vera,
naku kapatid ko,pareho lang tau ng nararamdaman--kulang na lang hatakin ko ang mga buwan para january na agad at nang makauwi na ako---naku- ang tagal mo pa pala bago ka makauwi- dapat lang talaga magpadala na lang muna sila ng video nila para masilayan mo mga mahal mo sa buhay....
at tama ka--its our call talaga and we are destined for this life kaya ipagpasalamat na din natin sa KANYA kung ano man ang narating natin at saan man tayo napadpad dahil yan ang BLESSINGS na galing sa KANYA na dapat nating ipagpasalamat--kahit amidst that blessings ay may nawala sa atin ...ang makapiling ang ating sariling bayan at ang mga mahal natin sa buhay at mga matalik na kaibigan....

forevermonk said...

@vera

PS: ay hindi pala "nawala"-- kundi nawalay lang sa ating paningin at napahiwalay at napalayo sa ating abot kamay....

Anonymous said...

nakikikanta na rin.. i was just thinking about manila this afternoon. iba talaga ang manila.. ang sarap dun. kahit nga andito na ang lahat ng material things sa isteyts, may kulang pa rin.

miss na kita manila!!!!!!

thanks for the post dom!

forevermonk said...

@chuva

ay oo korak ka diyan chuva....oo nga at fresh ang money dito as green leaves kumbagah-pero iba talaga ang manila..hinahanap hanap ko ang manila at lagi akong nananaginip na ako ay nasa piling nya-kaya tuloy na late na naman ako kanina sa dasal dahil nag oversleep ako sa kaka enjoy ko sa panaginip ko bwhahahahaha--
ang merika ay isang pangako ng maganda at maalwan na buhay, pero hindi mo dito makikita at mahahanap ang tunay na kaligayahan na naibibigay ng mga maiingay na wednesday in baclaran- friday nights at library- sabado nights at the CCP at kung anu ano pang mga forms of entertainment na wala dito sa esteyts...hayyyyy-- i am one with you chuva sa sobrang pagka miss sa manila after dark..... hahahahahaah-salamat naman at napadaan ka at napa drop ka ng ilang linya- i have been lurking at your posts kaya lang hiya akong mag comment --eh sa mahilig talaga ako sa pinoy showbiz, kaya lang baka igisa ako ng mga frends natin sa blogosphere kasi naiiba ang nature ng buhay ko kesa sa inyo...pero i will try to go ver one of your posts and try to give a piece of my mind hahahahahah...ay , i appreciate your coming over my post.. (alam ko naman na alam mong mahilig ako sa showbiz dahil sa araw araw akong silip silip sa blog mo bwhahahaha-... ay yan pa pala ang na mi miss ko sa manila- ang mga tv shows at movies- dahil bawal naman ang tv dito sa loob eh, at nag titiyaga na lang ako sa mga video clips ng mga programa sa channel 7 at kung may nagbibigay ng pa isa isang dollar (in a form of credit card pledge-na ipinagbabawal naman sa amin na tumanggap, ay nakaka arkila ako ng movie sa channel 2 na PAY PER VIEW...maliban doon sa mga webs ng inquirer at philstar at balita....hahahaha)have a good day chuva!....dalaw ka naman dito minsan sa new mexico at punta ka sa aking mundo! ilibre kita sa accomodations and food hahahahah...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...