Monday, March 21, 2005

lunes santong malubak punta sa kalbaryo...

ehh... lunes santo ngayon at ako ay papunta sa laundry house karga karga ang sandamukal na labada sa guesthouse- mga punda, kumot, fitted sheets at  loose sheets, mga bedcovers and towels and  face towels...apat na punong punong laundry baskets-misyon: paglalabada... ang siste- tinirikan na ako ng kotse kong nilulubak sa daan patungo sa aking paglalabahan- kalbaryo nga ba?.. ewan. basta -trabaho lang ng trabaho--basta ba humihinga pa ako...minsan-pag nakikita ko ang mga bagong pasok dito sa amin-  gusto kong pagsabihan na  -"dito sa loob, ang katapat  ng diploma mo sa kolehiyo ay batya at palu palo o kaya naman ay inidoro at baldosang kukuskusin mo"... ganyan ang buhay monghe sa isang monasteryong kontemplatibo na ang tema ng buhay ay  tinatagurian nilang Ora et Labora kuno...




















1 comment:

  1. yay, katakot naman daanan yung mga lubak na yan. parang yung mga kalsada sa mga rural areas dito sa zambales :D

    another side comment: the camwhore strikes again! hehehe (speaking of camwhores, parang ako din kya camwhore bwahahaha!)

    kalikyutboy

    ReplyDelete